Tuesday 20 March 2018
II: Maka-kapwa ako!
Kung
Ako ay makakapagtapos ng Pag-aaral nais kong ipagpatuloy ang aking propesyon
bilang isang magaling na Psychologist, at gamitin ang aking mga natutunan at
inaral upang makatulong sa mga taong mayroong problema sa pag-iisip. Nais ko
ding gamitin ang aking natutunan sa Sikolohiyang Pilipino upang mapaglinang pa
aking aking pagiging isang tunay na Pinoy.Magagamit ko din ang aking mga
natutunan sa pagtratrabaho sa isang maganda at malaking kumpanya bilang isang mabuting
HR practitioner.Maipapamalas ko ang pagiging tunay na Pilipino sa pamamagitan
ng pagbibigay debosyon ko sa aking pipiliing trabaho, makarating man ako sa
ibat ibang bansa ang pagtulong at pagsasapuso ko bilang isang Pilipino ay hindi
mawawala.
III. KATUTUBONG KONSEPTO (Filipino values)
III. KATUTUBONG KONSEPTO (Filipino values)
➥ Ang bawat Pilipino at mayroong natatanging kaugalian na ating ginagamit sa ating pangaraw-araw na pamumuhay at naipamamana pa natin sa susunod na henerasyon. Ang mga Katangiang ito ay likas sa mga Pilipino at ito ang mga katangiang unique sa atin.Mali man o Negatibo ang tingin ng ibang lahi sa konsepto na ito para sa atin ito ay isang bagay na positibo at nakakatulong sa ating pamumuhay at sa pagpapatatag pa lalo ng ating samahan bilang isang tunay na pinoy.Gaya na lang ng konsepto ng Utang na Loob.
UTANG NA LOOB
Ang utang na loob na naayon kay Andres (1994) ay “principle of reciprocity”, ayon naman sa isang banyagang mananaliksik na si Hollsteiner (1961) sinabi niya na ang utang na loob ay “to show his gratitude properly by returning the favor with interest”. Ang dalawang banyagang ito ay nagpapaliwanag na an gating Utang na loob na konsepto ay negatibo dahil humihingi tayo ng kapalit sa isang bagay na naitulong natin sa ating kapwa.maliit man o malaki bnbgyang kahulugan nila ito bilang responsibilidad na kailngan ibalik kapag nagbgay ka ng tulong sa kapwa.Ngunit sa ating mga Pilipino ang konsepto ng utang na loob ay isang pagtanaw ng pasasalamat sa ating kapwa.
Halimbawa na lang ng aking karanasan tungkol sa pagtanaw ng utang na loob sa aking mga magulang. Binigyan nila ako ng maganda at maayos na buhay, hindi ako naghirap sa pagaaral dahil sa suportang binibgay nila sa akin at sa pinansyal na kailangan ko na naitutustos nila. Hindi bat marapat lamang na bigyan ko ng sukli ang paghihirap nilang matustusan at mabgyan ako ng maayos at marangal na buhay. Hindi bat utang na loob ko na ibalik sa knila ang karangyaan at kaginhawaan na tinatamasa ko. Bilang isang Pilipino ang konseptong ito ay positibo at nagbibigay ng inspirasyon sa bawat tao.
V. MOVING FORWARD
1. Matapos
ang mga tinalakay sa sikolohiyang Pilipino ang pinaka mahalagang aking nagamit
ay ang Filipino Values dahil ditto nakapaloob ang ibat ibang pagkakahulugan sa
ating mga konsepto. Dito din nakapaloob ang postibo at negatibong
pagkakahulugan ng mga banyaga patungkol sa ating katutubong konsepto. Ito at
magagamit ko sa aking pang araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa tao.
2. PAGBEBENTA NG ASIGNATURANG SIKOLOHIYANG PILIPINO
Ibebenta
ko ang sikolohiyang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapanood at paghihikayat na
manood ng madaming dokumentaryo ukol sa
ating katutubo at makabansang paglilinang. Ipropromote ko din ang mga sinaunang
pelikula na sumasalamin sa ating bansang pilipinas at sa katutubong mga
konsepto na nagpapakita ng pagiging isang tunay na Pilipino sa isip, salita at
sa gawa.
Subscribe to:
Posts (Atom)