Tuesday, 20 March 2018

III. KATUTUBONG KONSEPTO (Filipino values)


III. KATUTUBONG KONSEPTO (Filipino values)




       ➥ Ang bawat Pilipino at mayroong natatanging kaugalian na ating ginagamit sa ating pangaraw-araw na pamumuhay at naipamamana pa natin sa susunod na henerasyon. Ang mga Katangiang ito ay likas sa mga Pilipino at ito ang mga katangiang unique  sa atin.Mali man o Negatibo ang tingin ng ibang lahi sa konsepto na ito para sa atin ito ay isang bagay na positibo at nakakatulong sa ating pamumuhay at sa pagpapatatag pa lalo ng ating samahan bilang isang tunay na pinoy.Gaya na lang ng konsepto ng Utang na Loob.
UTANG NA LOOB
                Ang utang na loob na naayon kay Andres (1994) ay “principle of reciprocity”, ayon naman sa isang banyagang mananaliksik na si Hollsteiner (1961) sinabi niya na ang utang na loob ay “to show his gratitude properly by returning the favor with interest”.  Ang dalawang banyagang ito ay nagpapaliwanag na an gating Utang na loob na konsepto ay negatibo dahil humihingi tayo ng kapalit sa isang bagay na naitulong natin sa ating kapwa.maliit man o malaki bnbgyang kahulugan nila ito bilang responsibilidad na kailngan ibalik kapag nagbgay ka ng tulong sa kapwa.Ngunit sa ating mga Pilipino ang konsepto ng utang na loob ay isang pagtanaw ng pasasalamat sa ating kapwa.
                Halimbawa na lang ng aking karanasan tungkol sa pagtanaw ng utang na loob sa aking mga magulang. Binigyan nila ako ng maganda at maayos na buhay, hindi ako naghirap sa pagaaral dahil sa suportang binibgay nila sa akin at  sa pinansyal na kailangan ko na naitutustos nila. Hindi bat marapat lamang na bigyan ko ng sukli ang paghihirap nilang matustusan at mabgyan ako ng maayos at marangal na buhay. Hindi bat utang na loob ko na ibalik sa knila ang karangyaan at kaginhawaan na tinatamasa ko. Bilang isang Pilipino ang konseptong ito ay positibo at nagbibigay ng inspirasyon sa bawat tao.


No comments:

Post a Comment