Tuesday, 20 March 2018

V. MOVING FORWARD


                1. Matapos ang mga tinalakay sa sikolohiyang Pilipino ang pinaka mahalagang aking nagamit ay ang Filipino Values dahil ditto nakapaloob ang ibat ibang pagkakahulugan sa ating mga konsepto. Dito din nakapaloob ang postibo at negatibong pagkakahulugan ng mga banyaga patungkol sa ating katutubong konsepto. Ito at magagamit ko sa aking pang araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa tao.


2. PAGBEBENTA NG ASIGNATURANG SIKOLOHIYANG PILIPINO

                Ibebenta ko ang sikolohiyang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapanood at paghihikayat na manood  ng madaming dokumentaryo ukol sa ating katutubo at makabansang paglilinang. Ipropromote ko din ang mga sinaunang pelikula na sumasalamin sa ating bansang pilipinas at sa katutubong mga konsepto na nagpapakita ng pagiging isang tunay na Pilipino sa isip, salita at sa gawa.